Pagtestigo ni Ombudsman Morales vs Corona may basbas ni PNoy – Usec. Valte

MAY BASBAS ni Pangulong Benigno Aquino III ang ginawang pagdurog ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa impeachment trial.

Inamin ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na may go signal ni Aquino ang mga dokumentong ginamit ni Morales para ibunyag sa publiko ang itinatago dollar accounts ni Corona  na hindi nito inilagay sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

“Alam niyo, matagal na ho niyang sinasabi ‘yan eh. And we have always been upfront in saying that noong nagkaroon ho nung impeachment malinaw ho ang posisyon ng Pangulong Aquino. At sinabi ho namin na kung ano ho ‘yung tulong na kailangan by way of… Kasi ang Executive ho ‘yung may hawak ng mga documents eh. So kapag ni-request po ‘yan, ibibigay po talaga ’yan. Gagalaw po ’yung mga ahensiya po natin para ibigay ho ‘yung documentation. And in the first place, ‘yung kampo po ni Chief Justice Corona ang nagpatawag kay Ombudsman, hindi po ang prosekusyon. So paano ho… Naglagay ho sila ng witness doon, hindi ho nila nagustuhan ’yung sinasabi nung sarili nilang witness kaya siniraan na lang ho niya ‘yung witness nila,” ayon kay Usec. Valte.

Noong nakaraang Martes, Mayo 22 ay isiniwalat ni Corona sa kanyang opening statement ang pakikipagsabwatan ni Morales sa Malakanyang at kamakalawa, Mayo 25 ay muling sinabi ni CJ Corona na nagpagamit si Morales kay Pangulong Aquino para sirain ang kanyang dignidad at moral at palabasing nagnakaw ng kabang-yaman ng bansa.

Sinabi ni Usec. Valte na hindi naman kaila ang posisyon ng Pangulong Noynoy Aquino noong nagsimula ang impeachment trial para magbigay ng tulong sa prosekusyon.

Aniya, ang mga kinakailangang dokumento ay hawak ng Ehekutibo kaya kailangan ang basbas ng Malacañang para kumilos ang kinauukulang ahensya.

Ipinaalala naman ni Usec. Valte sa kampo ni Corona na sila ang nagpatawag kay Ombudsman Morales  para tumestigo sa impeachment trial subalit binabatikos ngayon dahil hindi pumabor kay CJ Corona ang mga testimonya ni Morales.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply