Pagtutulungan sa Marikina

AKO ay isang dayo sa Marikina. Dati akong taga-Baesa sa Quezon City. Na-culture shock ako nang unang mapunta sa Marikina nang makasal ako sa isang Alviz na taga-Exequiel St. sa Santo Niño noong 1988.

Paano ba naman…grabe ang traffic sa Barangka noon, abot hanggang tulay sa bayan.

Ang sikip ng mga kalye, makalat at marumi. Sa palengke, kailangan nakabota ka dahil sa itim na putik sa iyong lalakaran. Ang hirap pang umuwi dahil kahit taxi tinatanggihan ka pag sinabi mong sa Marikina ka magpapahatid.

Ika nga ni Nene Pimentel, ang Marikina ay isang bedroom community na tipong inuuwian lang para tulugan at pahingahan. Kasi raw ang karamihan, sa labas nagtatrabaho at namamasyal. Kumbaga, kaawa-awa ang sitwasyon ng Marikina noon.

Ngayon, 24 years after, ang Marikina pa ang ginagamit na role model sa good governance at pinapasyalan ng ibang bayan para mapag-aralan at mapulutan ng best practices. Nagsisilbi siyang patunay sa ibang bayan o LGU na naghihikahos — na may pag-asa, kung ito’y pagsusumikapan lamang.

Bilang residente, malaki ang pasalamat ko sa tambalang Bayani Fernando – Del de Guzman at Marides Fernando – Marion Andres para sa kakaibang pagbabagong ito na nagsilbing “source of pride” ng isang buong bayan at mga naninirahan dito.

Sa kasalukuyan, ang tambalang Del de Guzman – Fabian Cadiz – Miro Quimbo naman ang nagtutulong-tulong para lalo pang mapaunlad ang Marikina. Sila ay tinutulungan ng mahigit na dalawang libong kawani at opisyales ng LGU na hasa at subok sa pagsasaayos ng isang bayan. Malaki rin ang partisipasyon ng Batang Koop volunteers at pati na mga dating nanunungkulan na ngayon ay pumupuna kung may pagkukulang at sumasaludo naman pag may magandang nagawa.

Hopefully, ang kolum na ito ang magsisilbing abiso para malaman ng mga Marikenyo at iba pang kapwa Filipino ang mga kakaibang programa na patuloy na pinangungunahan ng Marikina, ang shoe capital – na ngayo’y bike capital at sports hub ng ating bansa.

Mega Tule. Inaanyayahan ni Mayor Del de Guzman ang mga lalaking labindalawang taon pataas sa isang ligtas at libreng pagtutule. Bukas na po ang pinakahihintay ng mga lalaking gustong maging lubos na binata.

Sa Marikina Elementary School sa Sta. Elena pupugutan ng ulo o tatanggalan ng kapote ang 2,000 lalaki mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Lalahukan ito ng 200 doktor at 100 nars na pawang volunteer sa proyektong ito ng Vice Mayor’s Office at City Health Office.

Team building. Kamusta sa mga naglalabanang koponan ngayon diyan sa Splash Island?

Mag-ingat po kayo at mag-enjoy!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply