Pahinga muna sa lovelife!

NAGKAROON ng isyu ang hindi pagtuloy sa Boracay ni Jennylyn Mercado para sa live appearance ng mga Kapuso stars roon nitong nakaraang Biyernes at Sabado (May 11 & 12). Iniintriga na umiwas raw siya sa ex-boyfriend na si Dennis Trillo na dapat ay makasasabay niya sa flight patungo roon.

“Ang totoo po kaya hindi ako tumuloy, kasi Lunes pa lang ng gabi, sumama na po ‘yong tiyan ko,” paliwanag ni Jennylyn. “Kasi no’ng Sabado po bago ako mag-Party Pilipinas, nag-sprint ako. Tapos parang nagkapilay ako kaya hindi ako masyadong makalakad nang maayos.

“Nalaman ko na napunit pala ‘yong muscle ko sa legs kaya hindi ako makalakad masakit na masakit ‘yong binti ko. Tapos sinabayan ng high fever. At saka nga ‘yong sakit ng tiyan, ‘yong LBM, na-dehydrate ako kaya nagkaroon ako ng mataas na lagnat.

“Sabi ni Mama, huwag na raw akong tumuloy ng Boracay kasi mukha na raw akong kamatis. Ang pula-pula ko raw.  Ang taas nga kasi ng lagnat ko at nahihilo ako. Kaya sabi ko dalhin na ako sa ospital.

“Tapos in-admit na nga ako kasi ang dami nang nawalang fluid sa katawan ko. Two days akong na-confine.

“Hindi ko sinasadyang huwag tumuloy sa Boracay. Excited nga ako for that. Alam ko naman na kasabay ko sa eroplano si Dennis kung natuloy ako at okey lang. Wala na namang problema.

“Masaya na naman kami sa kanya-kanya naming buhay so I don’t think magkakaroon talaga ng problema,” pahayag pa ng actress-TV host.

***

PAGKATAPOS ng Biritera, sandaling magpapahinga raw muna si Glaiza de Castro habang hinihintay ang next project na gagawin niya. Biro nga namin sa kanya… may time na siya to entertain suitors.

“Entertain suitors talaga?” natawang reaksiyon naman ng aktres. “Puwede!”

Dati meron na siyang non-showbiz guy na nakaka-date, ‘di  ba? Wala na sa ngayon?

“Oo. Gano’n kabilis, e! Hahahaha!”

“Hindi. Kasi ako ‘yong tipo ng tao na kapag nakikita kong ano… hindi na… hindi ko nakikita sa future ko, huwag na lang.

“Stop na agad. Hindi na pinatatagal. Kasi mahihiarapan pa kunwari kapag… ‘di ba may mga iba nga diyan na years talaga ang itinatagal tapos in the end… di ba?

“Kung hindi talaga para roon sa taong iyon, uhm… feeling ko, e… magkakaroon ng ways talaga para mahinto.

“So… ‘yon. Parang… hinto muna,” napabungisngis pa niyang sabi.

Pero hindi naman ibig sabihin nagiging sobrang choosy na siya ngayon?

“Hindi naman. Siyempre dapat ano… siyempre dapat may mga standards ka. Kasi siyempre babae ka, e. So ayaw mo namang basta-basta na lang ibigay ‘yong mga benefits na ‘yon. ‘Di ba?

“Hindi sa pagiging choosy pero niri-reserve ko rin lang ‘yong sarili ko sa karapat-dapat na taong pagbibigyan ko ng pagmamahal ko.”

Ano ba ‘yong standards niya pagdating sa pagpili ng lalakeng mamahalin o makakarelasyon?

“Well siyempre, unang–una ‘yong maiintindihan ‘yong work ko. Tapos ‘yong mamahalin din ‘yong pamilya ko.

“Kasi, siyempre kung ako lang ang kaya niyang mahalin, e… medyo tagilid ‘yon, di ba?

“Tapos…‘yong may pangarap dapat sa buhay. ‘Yong may goal, ‘di ba? Para naka-set na ‘yong utak niya kung ano ang gusto niyang mangyari sa future.

“Kumbaga, nando’n ‘yong pagiging cool at relaxed niya pero merong kapupuntahan,” sabi pa ni Glaiza.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply