Pakikipaghiwalay sa asawa, kinumpirma na ni Chiz

HINDI man pormal ay inamin na ng senador ang kanyang pakikipaghiwalay sa kanyang misis.

Sa statement of assets, liabilities and net worth (SALN) na isinumite ni Senador Francis “Chiz” Escudero sa Office of the Senate Secretary, inilagay ng senador ang “separated” sa kanyang marital status, patunay na hiwalay na sila ng kanyang misis na si Christine Elizabeth “Tintin” Flores.

Matatandaan na noon pang nakaraang taon pumutok ang balita na hiwalay na ang mag-asawa, may 10 taon ding nagsama matapos maiugnay si Chiz sa “Queen of All Media” na si Kris Aquino na noon ay kahihiwalay lang din sa kanyang mister na si James Yap.

Sinasabing naghiwalay ang dalawa matapos maiugnay ang misis ni Chiz sa isang miyembro ng all-male dancing group.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply