Palabas ng motel: Misis, kalaguyo huli ni mister

KASONG adultery ang kinakaharap ng isang magkalaguyo makaraang mahuli ng mister ang kanyang asawa kasama ang kabit habang papalabas ng isang motel sa panulukan ng Roces at Quezon Avenue sa Quezon City kaninang umaga.

Pormal na nagreklamo sa Quezon City Police District Kamuning Station 10 ang complainant na si Jeffrey Pambuena, 28, security guard ng 817 Pilapil St., Dagupan, Tondo, Manila.

Ipinagharap ng reklamo ang mga suspek na sina Darlyn Sarmiento, 26, supervisor sa Cowboy grill restaurant, Quezon Avenue branch at kalaguyo nitong si Peter Andrew Manalo, 28.

Ayon kay SPO1 Jester Decubay, batay sa reklamo ni Pambuena, noong Marso 10 ay minsan na niyang nahuli ang kanyang misis na papasok sa isang motel kasama ang kalaguyo.

Na nasundan kahapon ng alas-5:00 ng madaling-araw matapos ma-trace ang kanyang misis sa pamamagitan ng tracking sa kanyang cellphone.

Dahil sa hindi na makayanan ang pang-iipot sa kanyang ulo ng misis ay humingi na siya ng tulong sa awtoridad at inabangan ang muling pangangaliwa ng suspek.

Pasado alas-9:40 ng umaga kanina nang maaktuhan ng biktima ang kanyang misis at kalaguyo nito na lumabas ng motel dahilan kaya agad na ipinaaresto sa mga pulis.

Sa presinto, sinabi ng kalaguyo ni Sarmiento na nagkaroon lamang sila ng relasyon ng babae dahil sinabi nitong hiwalay na siya sa asawa at nakatakda nang ipa-annul ang kanilang kasal na itinanggi naman ni Pambuena.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply