Palarong Pambansa 2012: NCR nanguna sa gymnastics

HINAKOT ng National Capital Region (NCR) ang lahat ng medalya sa larong gymnastics sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2012 sa Pangasinan.

Muling pinatunayan ng mga pambato ng NCR ang kanilang husay sa naturang larangan.

Sa kategoryang triple jump secondary boys, nabingwit ni John Miguel Lanuza ng Southern Tagalog ang gintong medalya, habang silver naman ang nadale ni Julian Reem Fuentes ng Region II at bronze medal naman ang nasungkit ni Lorenzo Capano ng Region VI.

Ginto naman ang nasilat ni Sheinne Sanchez ng Western Visayas matapos manguna sa shot put elementary girls. SInundan naman siya ni Kasandra Alcantara ng NCR (silver) at pumangatlo si Ansharina Rodillas ng Region II (bronze).

Kasalukuyang nagpapatuloy ang ibang events gaya ng larong football sa lungsod ng San Carlos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply