Palasyo handa sa magiging hatol kay CJ

HANDA ang Malakanyang sa kung anuman ang ilalabas na hatol ng Senate impeachment Court kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

“We are as ready as we will ever be for whatever verdict that is coming out. Feelings? I don’t really have a lot of them for this particular issue. So we are as ready as we will ever be,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Hindi naman sigurado si Valte kung agad na idudulog ni Corona ang hatol sa kanya ng Senado kapag ang naging desisyon ng mga senator-judges ay “guilty.”

“We’re not quite sure if that is also the position of the Chief Justice because, if you remember, sinabi na po ni Chief Justice Corona that they will respect the decision—whatever verdict that the Senate impeachment court will render in this particular case. So are they backtracking? Are they backpedaling? I’m not quite sure about that,” aniya pa rin.

Tiniyak naman nito na kung anuman ang magiging hatol ng Senate impeachment court ay kanilang irerespeto.

Sa kabilang dako, nananatili naman ang posisyon ng Malakanyang na hindi mabibigyan ng “acquittal” si Corona bunsod na rin ng matibay na ebidensiya na ipinrisenta dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply