Palasyo kumpiyansa na gaganda ang ekonomiya sa huling kwarto ng 2012

KUMPIYANSA ang Malakanyang na mas magiging maganda ang takbo ng ekonomiya ng bansa sa last quarter ng taon dahil tapos na ang impeachment trial sa napatalsik na si Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

‘We are confident that the positive trajectory of our GDP growth will be sustained in the latter quarters of this year, which have traditionally demonstrated more robust and dynamic economic performance,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Nauna rito, ipinagmalaki naman ni Usec. Valte ang 6.4 percent na inilago ng ekonomiya ng bansa sa first quarter ng taon kahit nasa “hot seat” pa si Corona.

Aniya, mas mataas pa ito sa kanilang inasahan bunsod ng napanatiling kumpiyansa ng mga investors sa bansa.

Kabilang naman sa lumagong sektor ang nasa service, exports at household consumption.

Ang nasabing GDP ngayong first quarter ay nagpapatibay sa positibong outlook ng Pangulo at ng economic team.

“The first quarter GDP figure validates the optimistic outlook of the President and his economic team. It is the highest first quarter GDP growth in a non-election year since 2006; the second highest in Asia; and the highest growth rate in the entire ASEAN region for this period,” ayon kay Usec. Valte.

Kumbinsido naman ang Malakanyang na mapanatili ang nasabing katatagan sa ekonomiya at maabot ang GDP projection hanggang matapos ang taon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply