Palasyo tikom sa breakup nina PNoy, Grace Lee

TIKOM ang bibig ng Malakanyang sa napaulat na breakup nina Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III at girlfriend nitong TV host na si Grace Lee.

“No comment. I don’t know what’s going on,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.

Inamin ni Sec. Lacierda na hindi niya alam ang tunay na “score” sa relasyon nina Pangulong Aquino at  Grace Lee.

Ang katuwiran ni Lacierda ay pribadong buhay ito ng Pangulo at hindi sila nakikialam.

Nauna nang kumalat na hiwalay na ang dalawa at hindi nagde-date.

Sinasabing may bago nang napupusuan ang Pangulo at may ilang linggo na silang hindi nagkikita ng TV personality.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply