Palawan tututukan sa pagbabantay ng AFP

TODO-BANTAY!

Ito ang personal na mensaheng ipinarating ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of Staff Gen Jessie Dellosa sa kanyang pagbisita sa Palawan kanina.

Kaugnay nito, pinulong din ni Dellosa si Western Command chief Juancho Sabban at iba pang mga opisyal upang pag-usapan ang sitwasyon sa nagpapatuloy na tensyon sa China at Pilipinas sa Scarborough Shoal.

Nabatid kay AFP Western Mindanao Command chief Ltgen Juancho Saban na ang WESCOM ang main concern ngayon ng Hukbong Sandatahan.

Ang pagdating ni Dellosa sa Palawan ay para iutos lamang na itutok ang pagbabantay sa WesCom.

Nabatid pa na plano rin sana ni Dellosa na magkaroon ng deployment ng surveillance ship na makaka-tandem ng bagong barko at helicopter sa West Philippine Sea (South China Sea) na pinag-aagawan ng China at Pilipinas.

Ito ang opisyal na pahayag ni AFP Lt. Gen. Jessie Dellosa sa pinakaunang pagkakataon ng pagbisita nito sa Palawan.

Pinuri rin ng opisyal ang pag-upgrade ng military capability na prayoridad ng AFP at ang nakatakdang pagdating ng pangalawang Hamilton-class naval vessel mula sa United States sa Mayo 22.

Samantala, balak naman ng sandatahang lakas na maglagay ng bagong radar facilities sa Palawan area para sa surveillance capability sa West Philippine Sea.

Kaugnay nito, nagsaagwa ng pagbisita si Dellosa sa military instillations upang alamin ang status ng military readiness sa area.

Kung si Saban ang masusunod, nais nito na magkaroon sila military hardwares na pang maritime domain awareness at sa kalaunan ay ang pagkakaroon ng credible defense equipment na pwede aniyang ikumpara sa ibang claimant countries.

Kasama sa mga nabanggit ni Dellosa sa kanilang wish list ang pagbili ng frigates, reconnaissance plane, radar, at iba pang modern military equipment.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply