‘Palparan’ arestado sa Negros Occidental

NATIKLO ng pulisya nitong Linggo ang itiniwalag na sundalong may apelyidong Palparan sa Negros Occidental, pero hindi ito si retiradong Army General na si Jovito Palparan, na nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention kaugnay sa pagkawala ng dalawang student activist noong 2006.

Kinilala ng National Police’s Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang naarestong si Emil D. Palparan, 52, isang discharged Army man na nahaharap sa kasong murder.

Inilarawan naman ni CIDG chief, Police Director Samuel Pagdilao Jr. si Palparan na “lthird most wanted person” sa Binalbagan town.

Naaresto ang murder suspect dakong alas 4 a.m. nitong nakaraang LInggo sa bisa ng isang warrant for murder na ipinalabas ni Regional Trial Court sa Himamaylan, Negros Occidental at wala bail na inirekomenda.

Sinabi ng pulisya na si Palparan ay pangunahing suspect sa pagpatay sa security guard na si Reddy Daniel noong Pebrero 27, 2010 sa Brgy. Progreso, Binalbagan, Negros Occidental.

Aminado naman si Palparan sa pagpatay kay Daniel para pumatas sa biktima dahil ito ang pumatay sa kanyang kapatid.

Hindi naman nalaman kung ang suspect ay kamaganak ni Jovito Palparan, na ngayon ay dating isang party-list representative sa the House of Representatives.

Hindi pa rin nahuhuli si Jovito Palparan may limang buwan simula nang isampal sa kanya ang kasong kidnapping at serious illegal detention sa pagkawala ng dalawang University of the Philippines students na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.

Naglaan ang gobyerno ng  P1-million reward para sa ikadarakip ni Gen Palparan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply