Pamilya Corona, pinagpapasa-Diyos ang resulta ng impeachment trial

IPINAUUBAYA na lamang sa Diyos ng pamilya Corona ang kasasapitan sa resulta ng impeachment trial ni  Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ito ang ipinahayag ng anak ng punong mahistrado na si Francis kaugnay sa  ilalabas na desisyon ng impeachment court base sa mga ebidensyang iprinesinta rito.

Nagdarasal din ang pamilya Corona para sa anumang maging pakiramdam ng kanilang haligi sa sandaling ibaba na nga ang hatol sa kanya ng impeachment judges.

Dahil dito, umapela ang anak ni Corona sa publiko na ipanalangin din ang punong mahistrado para sa matibay na kalusugan nito.

Tiwala naman ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na mag-iiwan ng magandang aral ang impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Bacolod Bishop Vicente Navarra na sinadya ng Panginoong Diyos na maganap ang paglilitis para mabunyag ang pandaraya, lumabas ang katotohanan at mapanagot ang nagkasala.

Ayon naman kay dating CBCP President at Jaro, Iloilo Archbishop Angel Lagdameo, ipinagdarasal niya ang mga prosecutor, defense lawyers, senator judges at maging si Corona para magabayan ang paglalabas ng makatuwirang hatol.

Umaasa naman kapwa sina Isabela, Basilan Archbishop Martin Jumoad at Cubao Bishop Honesto Ongtioco na magiging patas ang senator judges, hindi maiimpluwensyahan at hahatol ang mgaito base sa mga naiprisintang ebidensya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply