Pamilya duda na may foul play sa pagkamatay ng kaanak sa Singapore

DUDULOG sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pamilya ng Pinay overseas worker na nagpatiwakal diumano sa Singapore.

Ayon sa pamilya ni Apple Gumale, 23 anyos, tubong Davao, duda sila na nagpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pagtalon sa balkonahe ng condominium na pinagtatrabahuhan dahil masaya naman ito nang tumungo sa Singapore nuong Mayo 4.

Nakatakdang isailalim sa awtopsiya ang labi ng biktima upang matiyak na walang foul play na naganap sa pagkasawi nito.

Si Gamale ay limang araw pa lamang nagtatagal sa Singapore upang magtrabaho bilang isang domestic helper nang ito diumano ay magpakamatay. Ipinagtataka ng kanyang pamilya ang hindi pagbibigay ng report ng pulisya sa kanila bilang mga kaanak.

Naniniwala ang pamilya ni Apple na may foul play sa kanyang pagkamatay kaya’t nananawagan sila sa pamahalaan na sila ay tulungan para imbestigahan ang sinasabing pagpapatiwakal ng kanilang kaanak.

Ang mga labi  ni Gamale ay naiuwi sa Davao nitong Miyerkules, Mayo 16 at pansamantalang nakalagak sa Lupon, Davao Oriental.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply