Pampasaherong bus nasunog sa Edsa

NAGKAGULO at nag-unahang makababa ang mga pasahero ng isang bus makaraang masunog ang harapang bahagi nito sa kahabaan ng Edsa-Ortigas kaninang madaling araw, Mayo 23.

Nabatid mismo sa  driver ng Minami bus na si Lito Ricamara, bigla na lamang umanong umusok ang harapang bahagi ng kaniyang minamanehong bus kung kaya’t agad nitong inihinto at pinababa ang lahat ng kanyang sakay.

Agad namang nakahingi ng tulong ang drayber sa MMDA at naapula ang sunog.

Suspetsa ng awtoridad,  electrical short circuit  ang sanhi ng pagkakasunog ng bus.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply