Panamanian na inakusahang nangreyp pinag-aaralang ilagay sa lookout bulletin

PINAG-AARALAN na ng Department of Justice na ilagay sa lookout bulletin ng Bureau of Immigration ang technical officer ng Panamanian Embassy na inaakusahang nanggahasa sa isang 19-anyos na Pilipina sa Makati City.

Sinabi ni De Lima na nakatanggap sila ng mga ulat na posibleng nasa bansa pa si Erick Bairnals Schks.

Ayon pa sa kalihim, bagamat walang puwersa ang lookout bulletin kumpara sa hold departure at watch list order, ay maiaalerto pa rin ang gobyerno sa anumang pagtatangka na makaalis sa bansa ang dayuhan.

Aminado si De Lima na hindi pa rin maaaring pigilin ng gobyerno ang nasabing dayuhan na makalabas ng Pilipinas dahil siya ay may diplomatic immunity.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply