Pananabik ng mga tagasubaybay nina Ariel at Maverick matatapos na!

MAY ilang buwan na ring hindi napanonood ang tandem nina Ariel at Maverick matapos mawala sa ere ang kanilang reality show sa TV5 na Tutoo TV.

Linggu-linggo na lang sa kanilang radio program na Love Idols sa Radyo Singko 92.3 News FM ay marami silang natatanggap na tawag at text messages sa kanilang Facebook account kung kelan daw ba ibabalik ang Tutoo TV at kung meron daw bang ipapalit?

Ang totoo kasi, mataas ang nakukuhang rating ng nasabing reality show kaya lang napagdesisyunan ng management ng Nerws and Public Affairs na alisin ito sa ere at palitan ng iba sa ‘di malamang dahilan.

Open book naman na sina Ariel ang nag-set ng trend noon reality show sa telebisyon at ito nga ‘yung Misadvenure of Ariel and Maverick noon sa ABC5.

Dito nga sa nasabing reality show sila nakilala at hindi rin maikakaila na sa lahat ng palabas noon ng nasabing Network, ito lamang ang nakakakuha ng mataas na rating.

Nang mapunta naman sila sa GMA-7 ay nagkaroon din sila ng reality show na Masquerade na nagre-rate rin pero ilang season lang ay tinanggal din at meron pa nga sanang susunod na reality show sila roon kaya lang mukhang may bumaril sa proyekto kaya hindi natuloy.

Dahil sa nasabing mga pangyayari ay naisipan ni Ariel na mag-produce na lang ng sariling reality show at dito nga isinilang ang mag-aapat na season na Mommy Elvie @ 18 na ang bida ay ang kanyang nanay na si Mommy Elvie Villasanta.

Hindi rin maikakaila na isa ito sa top rating show ng GMA News Channel 11 at dito na rin naisipan ni Ariel na mag-produce pa muli na isa pang reality show para sa nasabing Network kaya nga sa kanilang collaboration ni Direk Aleah Aliporo-Eugenio ay isinilang ang TV Icons na pagsasamahan at balik tambalan nila ni Maverick.

Agad naman itong sinang-ayunan ng asawa ni Ariel na si Cristina Castillo-Villasanta at nagsimula na sila ng kanilang taping para sa initial episode nila.

“Kaya nga para sa aming mga tagasubaybay at tagahanga, konting panahon na lang at muli ninyo kaming mapanonood ni Maverick at siguradong sulit ang inyong paghihintay,” mensahe ni Ariel.

-000-

Libreng sling bag handog ng Walker

PARA sa ating mga mag-aaral ngayong pasukan, heto ang isang promosyon mula sa Walker underwear na talaga namang kapaki-pakinabang.

Para sa buong buwan ng Mayo, ang Walker underwear, isa sa mga pangunahing underwear maker sa bansa ay mamimigay ng libreng sling bag sa mga mamimili.

Ang bag na ito ay magagamit ng mga estudyante ngayong pasukan. Kaya, mamili lamang ng Walker products na nagkakahalaga ng P600 sa lahat ng SM Department stores sa buong bansa at magkamit ng libreng sling bag kaagad-agad.

At kung nais mo naman ay libreng Walker item, magsadya lamang sa lahat ng Robinsons department store, Landmark, Puregold at ibang mga department store at sila ay mayroong buy 3, take 1 promo.

Tandaan, hanggang Mayo 31 lamang ang mga promosyon na ito mula sa Walker underwear.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply