Pangalan ng mga politiko lumutang para sa CJ position

MATAPOS mapatalsik sa puwesto si Chief Justice Renato Corona, maraming pangalan na ang lumutulang kung saan kabilang dito sina Senators Francis Escudero at Franklin Drilon gayundin si dating Senador Rene Saguisag.

Para kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, “good choices” din sina Escudero at Drilon sa nabakanteng upuan ni Corona.

Aniya, kapwa may malawak ang karanasan ang dalawang nasabing senador sa serbisyo publiko bukod pa sa pagiging abogado.

Pero, iginiit ni Cayetano mas mabuting iwasan ni Pangulong Noynoy Aquino na mag-appoint ng isang politiko o partisan group.

Katwiran ng senador, kung politiko o kakampi ng Pangulo ang ipapalit kay Corona, magdududa ang publiko dahil makukulayan na ng pulitika ang desisyon ng Korte Suprema o ‘di kaya’y mawawala na ang independence at integridad nito.

Gayundin, malaki ang posibilidad na maging kandidato rin sa CJ post si Saguisag na isa ring batikang human rights lawyer.

Para naman kay Senador Edgardo Angara, hindi dapat idiskwento ang mga politiko na maging Chief Justice dahil may integridad, magagaling at matalino ring politiko.

Inihalimbawa ni Angara si dating Chief Justice Marcelo Fernan na naging mahusay na pinuno ng Korte Suprema.

Pabor naman si Angara na kunin ng Judicial and Bar Council sa 14 na nakaupong mahistrado ng Korte Suprema ang susunod na CJ.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply