‘Panggagapang’ ng INC sa Corona case itinanggi

ITINANGGI ngayong araw lamang ng United Nationalist Alliance (UNA) ang napabalitang may ilang personalidad sa Iglesia Ni Cristo (INC) ang nakipag-usap sa mga senador upang mapawalang-sala si Chief Justice Renato Corona sa isinasagawang impeachment trial ng Senado.

Sa isang pahayag, sinabi ni UNA Secretary-General at Navotas Rep. Toby Tiangco na walang katotohanan ang napaulat na nakikisuyo ang mga tao ng INC sa mga senator-judge upang iligtas ang punong mahistrado.

Ayon pa kay Tiangco, walang ipinadalang emisaryo ang maimpluwensiyang religious group para kausapin ang mga senator-judge na kabilang sa alyansa.

Ang UNA ay alyansang itinatag nina dating Pangulong Joseph Estrada at Senate President Juan Ponce Enrile mula sa Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) at ni Vice President Jejomar Binay ng Partido Demokratikong Pilipino-Laban ng Bayan (PDP-LABAN).

Kabilang sa mga kasaping senator-judge ng UNA ay sina Senador Jinggoy Estrada at Aquilino ‘Koko’ Pimentel III.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply