Panggugulpi kay Mon Tulfo kinondena

MARIING kinondena ni Agham Part-ylist Rep. Angelo Palmones ang naganap na panggugulpi sa kolumnista na si Ramon Tulfo ng grupo ng showbiz couple na sina Claudine Barrreto at Raymart Santiago sa NAIA Terminal 3 kahapon (Mayo 6).

Ayon kay Palmones, isang insulto sa media ang ginawang pagmumura at panggugulpi kay Tulfo.

Aniya dapat na maging maingat ang lahat ng public figures kabilang ang mga artista sa kanilang gawi at asal kapag na sa pampublikong lugar.

Muling ipinaalala ng mambabatas na dati ring miyembro ng media na hindi lamang ang nasa larangan ng pulitika ang maging conscious sa kanilang kilos kundi’y pati mga artista.

Ang mga public figure aniya ang sumasalamin sa pag-uugali ng Filipino at iginiit na sila dapat ay dapat na maging mabuting ehemplo sa publiko.

Ayon kay Palmones, kanyang inihahanda na ang isang resolusyon para ihayag ang pagkondena sa naturang insidente partikular na kung paano hinawakan ng mga security force ng naturang paliparan si Tulfo at ang panggugulpi dito ng grupo ng mag-asawang artista na maituturing na public figure na dapat ay kumilos ng may respeto at konsiderasyon.

Nais hingin ni Palmones ang naging inisyal na report ng security office ng NAIA 3 para sa isasagawang imbestigasyon.

Ani Palmones, ibabase na lamang nila ang imbestigasyon sa video ng insidente na nasa YouTube dahil nabatid na walang CCTV camera sa pinagyarihan ng kaguluhan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply