Panghaharang sa Pinoy fishermen sa Panatag itinanggi ng M’cañang

HINDI kailanman pinagbabawalan at hinaharang ng mga Chinese vessel ang mga mangingisdang Pilipino sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, personal niyang nakausap si Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Edmund Tan at pinabulaanan nito na may ganoong balita.

Nauna nang inireklamo ng Masinloc local government na hinaharang ng mga nasabing Chinese vessel ang mga Pinoy fishermen na dati nang nangingisda sa karagatang sakop ng kanilang bayan.

Binigyang diin ni Lacierda na malayang nakapangingisda ang ating mga kababayan habang nakabantay ang mga barko ng coast guard sa Panatag Shoal.

Sa kabilang dako, sinabi ni Lacierda na wala silang nakikitang mali sa ginagawang negosasyon ng Pilipinas sa China para mapahupa ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Maaasahan umano ang career official ng Department of Foreign Affairs (DFA) na siyang charge d’ affaires sa Beijing habang hinihintay ang pagkakatalaga ng Philippine ambassador to China.

Malinaw din ang naging kautusan ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga kinauukulang awtoridad na huwag palalain sa anumang paraan ang tensyon sa Scarborough.

Sa ngayon, tanging dokumentasyon ginagawa ng PCG sa mga ginagawang paglabag ng Chinese vessel sa pinagtatalunang teritoryo at hindi nagpo-provoke taliwas sa pahayag ng China.

“We, as always, we will report document incidents if ever there is a situation.But right now, we can say that there has been no provocation as of now,” aniya pa rin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply