Panibagong bidding sa PCOS iginiit ng solon

UPANG mapawi ang lahat ng pagdududa ukol sa posibleng irigularidad at katiwalian ay isinulong ng isang kongresista sa Commission on Elections (Comelec) ang panibagong bidding sa counting machines na gagamitin para sa 2013 elections.

Binigyang diin ni House Assistant Majority Leader Karlo Alexei Nograles na makabubuting magkaroon ng panibagong bidding upang hindi pagdudahan ang COMELEC ng posibleng paglabag sa anti-graft and corrupt practices act.

Sinabi pa ni Nograles, hindi naman masasaktan ang Comelec kung magsagawa sila ng malalimg legal scrutiny sa desisyon nito na ipatupad ang opsyon na bumili sa Smartmatic sa gitna ng legal opinion na taliwas ito sa procurement law.

Ito aniya ang pangunahing dahilan kung kaya makabubuting magsagawa na lamang ng panibagong public bidding ang Comelec sa Smartmatic para naman sa mga iba pang interesadong suppliers.

Naunang kinuwestyon ng ilang sektor ang pagbili ng Comelec ng precinct count optical scan (PCOS) machines mula sa Smartmatic na inupahan ng gobyerno noong 2010 national elections kabilang na si Davao City Archbishop Fernando Capalla dahil sa ang orihinal aniyang kontrata ay tumutukoy lang para sa 2010 elections.

“Of course, Smartmatic can bid again and there wouldn’t be any problem if Smartmatic gets the contract anew because this time it would be done through open, proper and competitive bidding,” ani Nograles .

Paliwanag pa ng mambabatas na mayroon pa namang sapat na panahon ang Comelec upang magsagawa ng panibagong bidding upang mabura na ang mga pagdududa ng publiko at malinawan na rin ang mga legal na katanungan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply