Panibagong record-high naitala ng Philippine Stocks Exchange

MULI na namang nagtala ng panibagong record-high ang Philippine Stock Exchange (PSE) kaninang hapon.

Sa ipinagmalaking anunsiyo ng Malakanyang sa pamamagitan ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, pumalo ng 5,228.84 points o tumaas ng 0.5 percent  ang stock market sa pagsasara nito kanina.

Ang nasabing rekord ay ika-26 na ng PSE mula nang maupo bilang pangulo ng bansa si PNoy.

Ani Lacierda, nagpapakita lamang ito na kumpiyansa ang mga bumibisitang ekonomista, bankers, financial ministers at business media na kasali sa Asian Development Bank (ADB) 45th Governors Annual Meeting sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City sa kakayahan ng bansa.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply