Panibagong rollback sa presyo ng petrolyo bukas, nakaabang na

PANIBAGONG rollback na naman ng presyo ng produktong petrolyo ang ikakasa ng mga kompanya ng langis bukas, Martes.

Eksakto alas-12:01 Martes ng madaling-araw ay magbababa ang Petron at Seaoil ng P0.65 ang presyo ng kada litro ng premium, unleaded at regular gasoline, P0.40 sa kerosene at P0.30 sa diesel.

Bukod sa mga nabanggit, magbabawas din ng presyo ang Shell at PTT ng P0.65 sa kada litro ng regular gasoline at P0.30 sa diesel.

Alas-6:00 naman ng umaga, magtatapyas ang Phoenix Petroleum ng P0.60 sa presyo ng kada litro ng gasolina at P0.30 sa diesel.

Ang pagtatapyas ng presyo ng oil companies ay dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng produktong petrolyo sa international market.

 

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply