Paninigarilyo ipagbabawal sa paligid ng simbahan

SANG-AYON ang ilang Catholic bishop na ipagbawal na ang paninigarilyo sa paligid ng mga simbahan.

Nabatid na matagal nang ipinagbabawal ang paninigarilyo sa loob ng simbahan, gayunman ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, pabor siyang ipagbawal na rin ang paninigarilyo maging sa paligid, plaza, compound at patio ng simbahan.

Sinabi naman ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na magandang hakbang ang pag-ban ng paninigarilyo sa loob at labas ng mga simbahan upang magkaroon ng friendly at healthy atmosphere para sa mga taong nais na manalangin.

Naniniwala naman si Malolos Bishop Jose Oliveros na hindi maganda ang paninigarilyo sa kalusugan.

Dahil dito,  sinabi niya na isang magandang polisiya kung pagbabawalan ang mga tao na manigarilyo, hindi lamang sa simbahan kundi maging sa iba pang pampublikong lugar.

Ipinaliwanag ni Oliveros na hindi lamang ang kanilang sariling kalusugan ang napipinsala ng mga smokers kundi maging ang kalusugan ng kanilang kapwa o yaong nakakalanghap ng second-hand smoke.

Sa panig naman ni Caloocan Bishop Deogracias Iniguez, hinimok nito ang kaniyang mga kapwa Obispo na magpatupad ng smoking ban kung naniniwala ang mga ito na kinakailangan ang naturang hakbang at kung hindi na sila makapaghihintay pa ng direktiba mula sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Ang paninigarilyo ay isinasangkot sa ilang sakit tulad ng cancer, heart disease, stroke at mga chronic respiratory diseases tulad ng emphysema at diabetes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply