Panukala ni Macalintal suportado ng ALAM

NATUWA kahapon ang pamunuan ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) Partylist matapos malamang aaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang maagang pagboto ng mga miembro ng media.

Ayon kay ALAM Chairman Jerry Yap, tama lamang ito upang makapag-ulat sila ng tuloy-tuloy sa araw ng eleksyon.

Ani Yap, matagal nang hinihingi ng media na maagang makaboto bahil madalas na hindi sila nakaboboto sanhi ng pagtupad sa kanilang tungkulin.

Kung makakasama umano ang media sa batas ng local absentee voting, magiging madali na para sa media ang bumoto.

Sa report, pinag-isipan umanong mabuti ni Comelec Commissioner Rene Sarmiento ang nasabing panukala dahil sa dami ng natatanggap nilang kahilingan tungkol dito.

Marami rin umanong tumatawag sa kanilang tanggapan bilang suporta ditto, partikular na ang paghahain ng petisyon kamakailan ni Atty. Romulo Macalintal.

Nais ni Macalintal na payagan ang mga miyembro ng media na maagang makaboto sa  May 2013 elections.

Suportado naman ng ALAM ang kahilingan ni Macalintal at umaasa umano silang papayagan ito ng COMELEC.

Ayon naman kay ALAM President Atty Berteni Causing, para ring mga pulis at sundalo ang mga miyembro ng media n My tungkuling dapat gampanan kapag eleksyon kaya dapat din silang payagang makaboto ng maaga.

Kahit umano ang mga teacher ay dapat ding payagang makaboto ng maaga dahil madalas din silang hindi makabotro dahil din sa pagtupad sa kanilang tungkulin sa araw ng eleksyon.

Kapag dumarating ang eleksyon, libu-libong miyembro ng media ang hindi nakaboboto dahil naipapadala sa iba’t ibang lugar para sa coverage.

Ito umano ang dahilan kaya tuwing eleksyon din ay kailangang muling magparehistro ng isang media man upang hindi ma-disenfranchise.

Napakalaking kunsiderasyon umano sa media kung papayagan silang makaboto ng maaga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply