Papaya, pinya ng Pinas ginigipit na rin ng China

GINIGIPIT na rin ngayon ng pamahalaan ng China ang pagpasok sa kanila ng papaya at pineapple export ng Pilipinas.

Base sa pahayag ni Bureau of Plant Industry (BPI) director Clarito Barron, nakitaan umano ng China ang may 43 cranes ng papaya at pinya mula sa Pinas ng cosmopolitan insect.

“Nangyari ‘yan (noong) May 2. May 43 cranes o boxes (ng pinya at papaya) nakitaan kuno ng isang uri na naman ng mealy bugs naman. Ang mealy bugs ay isang cosmopolitan insect na hindi lamang makikita dito sa Pilipinas pati sa ibang bansa at China.”

Dahil dito, sasailalim na rin umano sa 100% inspection ang mga naturang prutas na manggagaling sa Pilipinas.

“Bakit ang Japan at South Korea ay wala namang nakikitang peste sa ating prutas?”

Nilinaw naman ni Barron na hindi awtomatikong may kinalaman ang gusot ng dalawang bansa kaugnay sa Scarborough Shoal sa nangyayaring paghihigpit sa mga export ng Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply