Para manalo: Aga todo-kain ng siling labuyo!

NGAYON pa lang ay todo-ikot na si Aga Muhlach kasama ang misis na si Charlene Gonzales sa iba’t ibang bayan sa 4th District ng  Camarines Sur. Sinusuyod nito ang kasuluk-sulukan ng mga malalayong barangay para lamang pagbigyan ang mga imbitasyon sa kanya para mag-ninong sa kasal, sa binyag at kung saan-saan pang okasyon.

Marami naman ang natutuwa sa pinakikitang PR ni Aga sa mga Bicolano. Lahat pinagbibigyan niya. Kahit pakainin siya ng siling-labuyo wala siyang reklamo.

Ang maganda sa ginagawa niyang ito, yung mga kamag-anak na hindi niya kilala mula sa angkan ng mga Fuentes at Muhlach sa Goa, Tigaon, San Jose, presentacion at sa lahat halos ng mga lugar sa ika-apat na distrito ng CamSur ay nakikilala na niya ngayon.

***

Anne Curtis Hollywood star na

KAYA pala nagpaalam si Anne Curtis sa It’s Showtime last May 23 dahil pupunta ito ng Hollywood para gumawa ng isang pelikula. Ang titulo raw ng movie ay “Blood Ransom” kung saan ang lahat nang makakasama niya sa casting ay puro Amerikano. Ang producer nito ay Tectonic Films at ang magdi-direk ay si Fil-Am Francis de la Torre. Bale isang buwan mawawala sa Pinas ang aktres para tapusin ang proyektong ito.

Bakit ganun lang kadaling makagawa ng pelikula sa Hollywood si Anne samantalang ang ex-bf nitong si Sam Milby ay nagkagutom-gutom sa Tate dahil sa pangarap nitong maging isang Hollywood star. Wala namang nangyari sa pangarap ng aktor kaya umuwi sa bansa na luhaan at simot ang kwartang inipon.

Anyway, ngayon ko lang yata narinig ang film outfit na Totnak, este, Tectonic. Hahaha! Sana naman i-release ito ng may name na movie production.

***

Lalong mababaon sina Raymart at Claudine dahil sa paglabas ng bagong video

MAY lumabas na namang panibagong video na sinasabing pinagsimulan nang gulo sa NAIA domestic airport sa pagitan nina Mon Tulfo, mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barreto kasama ang isang kaibigang nagngangalang Eduardo Atilano.

Itong huli pala ang unang nanapok sa broadcaster-columnist kaya nagkagulo. Since kasamahan ito ng mag-asawa, natural damay sila sa gulo.

Masyado naman yatang matapang itong Eduardo na ‘to, ‘di ba niya kilala si Mon? Hindi man lang nito isinaalang-alang kahit hindi na ang estado nito sa buhay o ang pangalang dala-dala nitong huli, ‘yung edad na lang sana ang tinignan niya. Hindi siya marunong rumespeto sa nakatatanda sa kanya.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maaari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan.

Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply