Parak inambus sa Camarines Norte

INAMBUS ng isang armadong lalaki ang isang pulis sa Camarines Norte kaninang madaling araw.

Isinugod sa ospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si SP01 Salvador Vazquez Jr., 54-anyos.

Blangko pa ang pulisya sa kung sino ang nagkasa ng pang-aambus pero may hinala na ang pamamaril ay may kaugnayan sa trabaho ng biktima bilang alagad ng batas.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-5:45 ng madaling araw sa Barangay Catioan sa Capalonga town.

Ayon sa Capalonga PNP, bago ang insidente ay nagjo-jogging ang biktima sa lugar nang lapitan ng suspek at ilang ulit na pinagbabaril.

Tinangka namang manlaban ng biktima pero pinanghinaan na ito ng lakas sanhi ng kanyang tinamong tama ng bala sa katawan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply