Parak, isa pa tigok sa duwelo sa Cagayan

PATAY ang dalawa katao kabilang ang isang pulis na umawat lamang habang sugatan naman ang isa pa sa naganap na duwelo sa Cagayan kagabi (Mayo 4).

Dead on arrival sa ospital sanhi ng isang tama ng bala sa dibdib ang biktimang si SPO1 Raymundo Taguinod, tauhan ng Tuao PNP at isang nagngangalang Carlos Ballad.

Nasa kritikal na kondisyon sanhi ng tama ng bala ng baril sa katawan ang isang nagngangalang Andres Castillo na kabarilan naman ni Ballad.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-8:45 kagabi sa tapat ng gymnasium sa Barangay Naruangan, Tuoa

Sinabi ni Senior Inspector Elias Tanguilan, hepe ng Tuoa PNP,  bago ito ay rumesponde si Taguinod sa naturang gymnasium kung saan may paliga ng basketball, dahil nag-aaway doon sina Ballad at Castillo.

Tinangkang awatin ni Taguinod sina Ballad at Castillo ngunit nagbarilan pa rin ang dalawa at tinamaan ang naturang pulis sa dibdib at maging sina Ballad at Castillo ay nagkatamaan din.

Inaalam pa ng pulisya kung sino kina Ballad at Castillo ang nakabaril kay Taguinod at kung ano ang ugat ng pinag-awayan ng dalawa.

Si Castillo ay driver-bodyguard ni dating 3rd district congressman at ngayo’y Presidential Legislative Affairs Adviser Manuel Mamba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply