Parak nalunod sa scuba diving course, patay

NALUNOD ang isang opisyal ng San Juan City police habang nagsasanay na mag-scuba diving sa Mabini, Batangas, kahapon ng umaga (Mayo 27).

Dead on arrival sa Mabini General Hospital (MGH) si Senior Inspector Renato Samson, 36-anyos, acting chief ng Special Reaction Unit (SRU) at hepe ng San Juan City Police Station 7, sanhi ng asphyxia o kawalan ng hangin sa baga.

Nabatid na ang grupo ay dumating sa lugar noong Sabado ng gabi para sa kanilang two-day training.

Sinabi ni Inspector Florintino Buenafe, deputy chief ng Mabini police, na naganap ang insidente habang si Samson at walong iba pa ay nag-i-scuba diving sa karagatan ng Barangay Ligaya, para sa huling paglangoy bago sila umuwi ng Maynila.

Ayon naman sa mga kasamahan ni Samson nagkaroon ng problema ang training gear ng biktima bago pa ito tumalon at nag-panic nang hindi ito makahinga habang nasa ilalim ng dagat.

Naiahon naman agad si Samson ng kanyang mga kasamahan sa dagat at naitakbo pa sa ospital pero hindi na ito umabot ng buhay doon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply