Parak patay sa NPA hit squad sa Misamis

DEAD on the spot ang isang kagawad ng Philippine National Police matapos na pagbabarilin ng mga hinihinalang miyembro ng New Peoples Army hit squad na nagsasaagwa ng agaw armas operation sa lalawigan ng Misamis Oriental.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, patay ang biktimang si PO1 Al Tinampay dahil sa dalawang tama ng bala matapos pagbabarilin habang naglalakad sa may Barangay Umagos, Lagonglong, Misamis Oriental.

Ayon kay Police Senior Superintendent Graciano Mejares, Police Provincial Director ng Misamis Oriental, isa sa mga hinihinalang suspek sa krimen ay kasapi ng New People’s Army base na rin umano sa ilang  nakakita sa krimen.

Inaalam din kung isang agaw armas operation ang nangyari dahil pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang service firearms ng pulis.

Kaugnay nito, inalerto ni Mejares ang Lagonglong PNP upang habulin ang mga salarin.  Inatasan rin nito ang lahat ng Municipal Police Station na maging alerto at handa laban sa makakaliwang grupo.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply