Parak tigok sa snatcher

IPINAHAMAK ng kanyang magandang cellphone ang isang pulis matapos itong mapatay ng mga snatcher sa bayan ng Capalonga, lalawigan ng Camarines Norte.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, isa sa mga anggulong tinututukan ngayon ng mga imbestigador ay bakit ang cellphone lamang ng pinaslang na si SPO1 Salvador  Vasquez, 54, operation chief ng PNP-Capalonga ang kinuha ng mga salarin.

Hinihinalang pinatay ang biktima para lamang makuha ang cellphone nito dahil iniwan ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang mahahalagang gamit nito kasama na ang kanyang service firearm.

Sa ipinadalang ulat ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), madaling araw  nang umalis sa kanyang tahanan ang biktima upang mag-jogging subalit nang makarating ito ng Barangay Catioan ay bigla na lamang itong binaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Sinasabing nagawa pang makaganti ng putok si Vasquez subalit binawian din ito kaagad ng buhay dahil sa tama ng bala sa katawan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply