Parehong kandidato bilang congresswoman sa Cebu: Cutie del Mar may tulog kay Annabelle Rama

NASA puwesto lang ang TV host na si Cutie del Mar na isang congresswoman from Cebu, pero in terms of popularity ay talung-talo siya ni Tita Annabelle Rama at may tulog ito sakaling ituloy ni Bisaya ang pagtakbo sa North District ng Cebu.

Malaking factor para kay Tita Annabelle na hindi lang siya sikat na personalidad kundi mula rin siya sa angkan ng mga politiko sa Cebu.

Saka kapag tinatanong ang mga sikat na politician ay feel nila na tumakbo si Tita Annabelle para dalawa na sila ni Senator Miriam Santiago ang magbibigay aliw sa kanila at publiko. Siyempre hindi lang ‘yan, alam naman ng lahat ang pagiging pabolosa ni Bisaya so once na ituloy nga nito ang pagtakbo at palaring manalo ay hindi siya magdadamot na tumulong sa mga kababayang Bisaya.

Pero kontra yata ang mga anak sa pagtakbo nito lalo na si Ruffa Guttierez pero suportado naman si Tita Annabelle ng kanyang longtime husband na si Tito Eddie Guttierez at mga kapatid sa Cebu. Malayu-layo pa naman ang election kaya wait na lang tayo sa mga susunod na mangyayari. Hala, sige gyud!

***

Valiente, lumalaban sa rating kaya extended hanggang June 29!

GOOD news para sa lahat ng sumusubaybay sa Primetime Drama Series ng TV5 at ng Archangel Media na Valiente. Dahil sa mataas nitong ratings gabi-gabi ay muli na naman itong na-extend hanggang June 29.

Kaya naman masaya ang buong cast, production at director ng serye na si Joel Lamangan sa maiinit na pagtanggap na ito sa kanila ng televiewers. Sa pagpapatuloy ng istorya ng Valiente, dahil may hindi pagkakaunawaan ngayon ang mag-amang Gardo na ngayon ay kilala bilang si Nicolas Valejo (JC de Vera) at amang si Damian (Michael de Mesa), ipinagtapat na ni Damian sa anak ang tunay nitong pagkatao na isa siyang Braganza at ama nito ang matagal ng patay na si Don Armando (Mark Gil).

Labis na ikinagulat ni Nicolas ang rebelasyong ito pero hindi pa rin nagbabago ang kanyang desisyon tuloy pa rin ang paghihiganti niya sa mga Braganza lalung-lalo na sa mag-inang Donya Trining (Jacklyn Jose) na Mayor na ng San Rafael at anak na si Theo (Oyo Sotto) na siyang sumunog ng mukha ng binata na isa ng milyonaryo ngayon. Samantala, suspect ngayon si Mayora Trining at kanang kamay na rating nakarelasyong si Pepeng (John Regala) na totoong ama ni Theo sa pagpatay sa negosyanteng inutangan ng malaking halaga ni Donya Trining dahil sa kandidatura ni Vincent Lee (Tobi Alejar) na daddy naman ni Elaine Lee (Roxanne Guinoo) na si Theo.

Si Peping naman talaga ang tunay na salarin rito kaya tama ang hinala ng mga taga NBI. Si Leona (Nina Jose) naman, kinausap ng heart to heart ang kapatid na si Maila (Nadine Samonte) at sinabi niya kay Maila na buhay si Gardo at nagtatago lamang ito sa pangalang Nicolas.

Tinanong niya ito kung papakasalan pa ba si Joel (James Blanco) ngayong buhay ang tunay na minamahal na nobyong si Gardo. At abangan sa mga susunod na episode dahil malapit na ninyong mapanood ang character ng mahusay na actress na si Lorna Tolentino bilang si Mila Regalado Arden na COO at Acquisition Director ng Crimson Estates, ang nangungunang Real Estate Corporation sa Europe, America at Asia.

Ano ang kanyang magiging papel sa buhay ni Gardo Braganza? ‘Yan at ang iba pang mga kapana-panabik na tagpo ang dapat n’yong panoorin sa Valiente gabi-gabi pagkatapos ng Wiltime Bigtime sa TV5.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply