Parking boy niratrat sa Makati City, utas

INIIMBESTIGAHAN na ng mga tauhan ng Makati City Police ang motibo sa pamamaslang sa isang parking boy kaninang madaling-araw sa Makati City.

Dead on the spot si Ruel Mediana de Guzman, 28, ng 1153 Pasong Tamo, Secred Heart Barangay San Antonio nang nasabing lungsod sanhi ng apat na tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa katawan at kanang kamay.

Sa imbestigasyon ni PO3 Rolando Villaranda ng Criminal Investigation Division ng Makati City Police, alas-4 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Yague St. kanto ng Pasong Tirad, Barangay Tejeros, nasabing lungsod.

Papauwi na ng bahay ang biktima nang abangan at pagbabarilin ng tatlo hanggang limang armadong kalalakihan.

Duguang bumulagta ang biktima at mabilis na nagsitakas ang mga salarin at naglakad lamang ang mga ito palayo sa pinangyarihan ng insidente.

Ayon kay PO3 Villaranda, posibleng may matinding atraso ang biktima sa mga suspek dahil sa tinadtad siya ng tama ng bala ng baril sa katawan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply