Parking boy tigok sa boga sa Makati City

NAGSASAGAWA na ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad kaugnay sa motibo sa pamamaril sa isang parking boy sa Makati City, kaninang madaling araw.

Dead on the Spot bunga ng tama ng bala sa dibdib at likod ang biktima na kinilalang si Ruel de Guzman-Mediana, 28 residente ng 1153 Pasong Tamo, Sacred Heart St., Brgy  San Antonio, Makati.

Ayon sa report na pulisya, limang suspek ang itinuturong may kinalaman sa pagpatay sa biktima na naganap pasado alas-4:00 ng madaling araw sa Yague kanto ng Pasong Tirad Brgy. Tejeros ng nasabing lungsod.

Ayon kay PO3 Rolando Villaranda, ng Makati City police, posibleng may nakaaway ang biktima at isa sa itinuturong suspek ang dating pulis.

Inimbitan sa himpilan ng pulisya para imbestigahan ang limang suspek na itinuturo ng mga testigo na may kinalaman sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply