Party-list Act ipinarerebisa ng PPCRV

HINILING ng election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa Kongreso na rebyuhin, busisiin at pag-aralang muli ang Party-list Act.

Ayon kay PPCRV chairperson Ambassador Henrietta de Villa, mistulang nawawala na ang tunay na diwa at pakahulugan ng naturang batas.

Nagagamit lamang din, aniya, ito ng mga pulitikong may personal at political interest.

“We are appealing to Congress that the Party-list Act will be revisited and reviewed. Tingnan ulit nila yun para ang original content ay maibalik at paano mabibigyan ng safeguard at hindi magamit ng mga malalaking pulitiko para sa kanilang mga interes,” ayon kay de Villa, sa panayam ng church-run Radyo Veritas.

Umapela rin si de Villa sa Commission on Elections (Comelec) na salaing mabuti ang mga Party-list group na lalahok sa 2013 midterm elections upang hindi naman, aniya, masayang ang boto ng taumbayan.

Giit pa ni de Villa na ang dapat na maluklok sa Kongreso ay ang mga sectoral group na tunay na kumakatawan sa mga maliliit na tao at walang boses sa lipunan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply