Partner in crime, anak tinodas ng kawatan

UPANG maikubli ang ikinakasang pagnanakaw, kapwa hinataw sa ulo ng isang kawatan ang kanyang partner in crime na isang security guard at maging ang anak nito sa Misamis Oriental kaninang madaling-araw.

Kapwa dead on the spot sanhi ng tinamong pagkabasag ng ulo ang mag-amang sina Mario Mahayag, isang warehouse security guard at ang hindi pinangalanang 8-anyos na anak, pawang ng Opol, Misamis Oriental.

Nahuli naman agad at sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si Alejo Tagic, trabahador sa warehouse na binabantayan ni Mahayag at pag-aari ng isang Mr. Lim.

Sa ulat sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling-araw sa naturang warehouse na nasa Zome 1 Barangay Iponan.

Ayon kay SPO1 Joel Baldado, may hawak ng kaso, bago ito ay nabuko ni Mahayag na ninakaw ng suspek ang 5 gulong sa loob ng naturang bodega.

Pero bago pa nakapagsumbong ay hinataw na ng suspek ang biktima at dahil nasaksihan ng anak nito ang krimen ay maging siya ay pinatay na rin ni Tagic.

Inamin naman ni Tagic na siya ang pumatay sa mag-ama dahil ayaw niyang mabulgar na siya ang nagnanakaw ng mga gulong at iba pang gamit ng kanyang amo.

Sinabi rin ni Tagic na kasabwat niya si Mahayag sa pagnanakaw ng mga gulong pero sa hindi malamang dahilan ay bigla itong tumiwalag sa kanilang samahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply