Party affiliation wa-epek sa botohan sa impeachment

HINDI makaka-apekto ang party affiliation ng mga senador sa gagawing pagboto para sa conviction o acquittal ni Chief Justice Renato Corona.

Tiniyak ito ni House Majority Leader Neptali “Boyet” Gonzales sa gitna ng paniniwala ng myembro ng prosekusyon sa panliligaw na ginagawa sa mga senador partikular sa mga mambabatas na kaalyado ni Vice President Jejomar Binay na United Nationalist Alliance (UNA).

Inihalimbawa dito ni Gonzales ang kaso noon ng temporary restraining order na inisyu ng Korte Suprema sa dollar account ni Corona na pinagbotohan ng mga senador na irespeto.

Tinukoy ng kongresista si Senador Ralph Recto na myembro, aniya, ng Liberal party subalit hindi ito sumunod sa posisyon ng LP na pabuksan ang dollar account ng punong mahistrado.

Malaki ang paniwala ni Gonzales na magpapasya ang mga senador batay sa kanilang konsensya at mga nakitang ebidensya at hindi sa dikta ng kanilang kaalyado sa pulitika.

Kasabay nito ay tiniyak ni Gonzales na may sapat na bilang ng mga senador na boboto upang tuluyang ma-convict si Corona.

Para ma-convict si Corona ay mangangailangan ng 16 na boto subalit walong boto lamang upang ito ay ma-acquit.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply