Partylist system sa bansa ipinalilinis sa Comelec

NANAWAGAN ang isang pari ng Simbahang Katolika sa Commission on Elections (Comelec) na linisin ang party-list system sa bansa.

Sinabi ni Solidarity Philippines at Kontra Daya lead convenor Fr. Joe Dizon na dapat suriing mabuti at salain ng Comelec ang mga grupong nais na lumahok sa May 2013 midterm elections.

Umaasa rin si Dizon na matututo ang Comelec sa mga aral nang nakaraan kung saan maraming partylist na nakaupo sa Kongreso ang hindi naman tunay na kumakatawan sa marginalized sector.

Tinukoy pa ni Dizon ang “Ang Galing Pinoy” ni Rep. Mikey Arroyo na hindi naman aniya talaga kumakatawan sa sektor ng mga guwardiya.

“Palakasan at napulitika kasi dati ang Comelec e lalo na sa panahon ng mga Arroyo. Tingnan mo ang “Ang Galing Pinoy” ni Mikey Arroyo. Tunay ba yang kumakatawan sa marginalized sector? Hindi!” bahagi ng pahayag ni Dizon sa panayam ng church-run Radyo Veritas.

Iginiit pa ng pari na hindi dapat pairalin ng Comelec ang pamumulitika bagkus ay dapat na kilalanin nito ang mga sectoral party na tunay na kumakatawan sa mga mahihirap at walang boses sa lipunan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply