Pasig RTC bigong maaresto si dating Senate president Salonga

NABIGO ang awtoridad na arestuhin si dating Senate president Jovito Salonga kaugnay sa ipinalabas na warrant of arrest sa kasong estafa.

Hindi naman naaresto ang 91-year old na si Salonga dahil sa sinabi nitong mayroon siyang sakit kasunod ng paglalabas ng Pasig Regional Trial Court Branch 265 ng warrant of arrest dahil sa kasong estafa.

Nag-uagt ang warrant of arrest laban kay Salonga dahil sa reklamo ng physician na si Restituto Bienviaje noong Enero 30 na inireklamo nito si Salonga dahil sa ibinentang bahay sa Tagaytay noong 1997.

Kasama naman sa mga naaresto ang anak ni Salonga na si Esteban at sina Ferdinand at Pedro Bañes, Jr.

Kaugnay nito, agad naman nakapagpiyansa sina Salonga at Bañes, Jr. na nakatakdang basahan ng sakdal sa Mayo 15.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply