Paslit patay sa kinaing butete sa Cebu City

NAMATAY habang nilalapatan ng lunas ang isang siyam na taong gulang na bata matapos kumain ng isdang butete, habang apat pang kapatid nito ang nanatiling nasa pagamutan sa lungsod ng Sogod, Cebu, sa ulat ng kapulisan.

Una rito, itinakbo ang magkakapatid na Cumin nang magsuka pagkatapos kumain ng butete.

Patuloy pang ginagamot ang apat na biktima sa Sogod District Hospital.

Nabatid na ang ama ng mga biktima ang nagluto ng butete na kilalang may toxin at nakamamatay.

Samantala, isa naman ang namatay matapos malason sa kinaing isdang danggit sa lungsod ng Dumanjug, Cebu.

Kinilala ang namatay na si Felipe Deniega Imperial, habang dinala naman sa pagamutan ang anak at pamangkin nito matapos malason din sa kinaing isda.

Posibleng umanong nahaluan ng maliliit na isdang butete ang nilutong danggit dahilan para malason ang mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply