Pass muna ang Pinoy sa bisyo

SA wakas ay nagkaroon na rin ako nang dahilan para papurihan ang ating mga kongresista. Lumusot na kasi sa ways and means committee ang panukalang batas na nag-aatas na dagdagan ang buwis sa mga itinuturing na “sin products” gaya nang alak, sigarilyo at iba pang kauri.

Napakatagal na kasi itong nakabinbin sa Kamara dahil mahigpit ang pagtutol ng maraming mga mambabatas lalo na iyong galing sa tobacco producing provinces sa norte.

Nahirapan ang mga pro-health advocates na ipalusot ang bill dahil maliban sa mga kongresista ay tutol din dito ang mga malalaking negosyante na may-ari ng mga pabrika ng sigarilyo at alak.

Alam kasi nila na magiging dahilan ng pagtumal ng kanilang negosyo ang pagtataas ng buwis sa kanilang mga produkto. Pero kung may tutol sa pagtaas ng buwis sa sin products ay may mga pabor din naman dito at kasama na ako sa mga iyon.

Maliban kasi sa karagdagang buwis na aabot sa P60 bilyon na maaring kitain mula rito ay inaasahan ng mga advocate na magiging dahilan din ito para maging mas malusog ang mga Pinoy.

Base sa mga pagaaral ay isa sa pangunahing dahilan ng lung at liver cancer ng mga Pinoy ay ang sobrang pagyosi at pagtoma ng alak.

Siyempre kung magtataas ng presyo ang mga sin products na ito ay obligado ang maraming mga Pinoy na mag-pass na muna sa kanilang mga bisyo. Ang ilan sa mga nagdiriwang sa ngayon ang Framework Convention on Tobacco Control Alliance Philippines (FCAP) na matagal na rin namang nananalangin na maisulong na ang panukala.

Ang masasabi ko lang ay hindi pa tapos ang laban nila at higit kailanman ay dapat na maging mas masigasig sila sapagkat marami pang proseso na daraan nito at kung malilingat sila ay baka mauwi sa wala ang lahat.

Alam naman nating kung gaano katindi ang impluwensiya ng mayayamang mga negosyante at hindi sila papayag na matalo ng hindi lumalaban kaya asahan natin ang

mangyayaring matinding gapangan diyan sa Kamara.

Pero sa ngayon ay gusto ko munang batiin at pasalamatan ang pamunuan ni Speaker Sonny Belmonte sa magandang hakbang na kanilang ginawa. Congrats, mga bossing!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply