Pasukan na naman

NAG-RESUME na ang paglilitis ng impeachment case ni Chief Justice Renato Corona. Sa muling paghaharap ng mga abogado ng may kabilang panig ay muling sumiklab ang balitaktakan ng mga ligal na argumento at Pasukan na naman ng mga eskuwela sa Hunyo at tulad ng mga nakaraang dekada, ang problema sa edukasyon ay lalong nagiging mas malubha.

Sa halip na maibsan ang problema ay lalo pang lumalala dahil sa katakot-takot na experiment sa elementary at high school at pati na rin sa kolehiyo ang ginagawa ng ating pamahalaan.

Ang mga problemang iyan ay nauugat sa katangahan ng mga namumuno sa larangan ng edukasyon o ganid ng mga opisyal na lalo lamang ibinabaon sa kamangmangan ang ating mga mag-aaral.

Malaki kasi ang kita ng mga taong namamahala sa private and public schools.

Halimbawa, itong taong ito, dinagdagan na naman ang dami ng years na dapat manatili ang mga bata sa paaralan.

Sa bawat taon na idinaragdag ng Department of Education ay may kaakibat na dagdag na mga libro at iba pang teaching tools.

Sa madaling salita, dagdag gastos na naman sa mga aklat na sapilitang ibinebenta ng mga publishing house sa mga public and private schools, from kinder to elementary to high school and to college.

Bilyong piso ang kinikita ng mga paaralan sa pribadong schools pero kung napapansin ninyo, lahat halos ng mga private schools ay puro financial losses ang dine-declare sa kanilang income taxes.

Sa panig naman ng public schools, malaking kutsabahan ang nagaganap hindi lamang sa pagbili ng mga libro kundi pati na sa pagbili ng mga eraser, chalk, desk at teaching aids.

Kung sino pa ang dapat magtuturo kuno ng honesty ang siya pang nangunguna sa larangan ng graft and corruption.

Perfect example niyan ay ang mga controversial noodle na overpriced at below quality.

‘Yan ang dahilan kung bakit mahal ang low quality education sa Pinas.

Wa quality na ang pagtuturo, wa tigil pa ang nakawan sa DepEd.

At sa higher education, ano naman ang masasabi ninyo?

Taon-taon na lamang ay may petition ang mga private school for tuition increases pero para ba sa kapakanan ng mga estudyante ito?

At ano naman ang palusot ng mga dalubhasa sa edukasyon kung bakit hinahabaan ang elementary at high school?

Kailangan daw na pagdating sa high school at college ng mga bata ay employabol na raw sila.

Hindi ba katangahan at kahangalan yan?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply