Pasyente, nurse sugatan sa banggaan ng SUV at ambulansya

NASUGATAN ang paseyente at kasama nitong nurse makaraang banggain ng SUV ang ambulansya na kanilang sinasakyan sa Muñoz, Quezon City.

Nabatid na nagtamo ng malaking hiwa sa hita ang pasyenteng si Daniel Velarde habang ang nurse na si Loren Ann Melosantos ay nagtamo ng sugat sa kanyang nguso.

Ihahatid sana ng ambulansya ang pasyente sa isang medical facility para magpa-dialysis ngunit nang patawid na ito mula sa southbound lane ay biglang binangga ng itim na Toyota SUV (ZBC 818) na minamaneho ng isang Ivan Garcia.

Depensa naman ni Garcia, hindi niya napansin ang papatawid na ambulansya dahil sa bilis ng takbo ng iba pang mga sasakyan sa Edsa.

Dinala sa ospital ang dalawang biktima habang nagsasagawa na ng imbestigasyon ang awtoridad sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply