Patakaran sa HSWs mas higpitan

NAKATAKDANG magpatupad ng mas mahigpit na patakaran para sa household service workers (HSWs) ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Kuwait upang maresolba ang lumalalang problema ng HSWs na lumalayas sa kanilang mga  employer bago pa matapos ang kanilang kontrata dahil sa mga pang-aabuso at iba pa.

Ayon kay Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda Baldoz, ang nasabing hakbang ay bahagi pa rin ng kanilang direksyon na gawing madali ang trabaho para sa POLOs at mahirap naman para sa mga lumalabag sa batas.

Bukod rito, sususpendihin na rin ang documentary processing ng employment documents para sa foreign recruitment agencies (FRAs) at Philippine licensed recruitment agencies (PRAs).

“I have already instructed Labor Attache to Kuwait David Des Dicang to immediately suspend the processing of employment documents of an FRA or PRA even if that FRA or PRA has only one runaway worker at the FWRC,” dagdag pa ng kalihim.

Anang Kalihim, binibigyan niya ng isang linggo ang FRA at PRA para resolbahin ang kaso ng kanilang workers at pagkatapos ay saka maglalabas ang POLO ng rekomendasyon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para maibalik ang operasyon nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply