Patas na sahod sa mga manggagawa iginiit

INUDYUKAN ngayon ni House Deputy Minority leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay ang administrasyong Aquino na maglatag ng win-win solution para maresolba ang matagal nang problema sa umento sa sahod ng mga manggagawa.

Giit ni Magsaysay na dapat magkaroon ang gobyerno ng pag-aaral upang tukuyin kung magkano ang nararapat na sahod sa mga empleyado na hindi naaapektuhan o nalulugi ang mga kompanya.

Kung tutuusin, posible naman aniyang makahanap ng solusyon ang pamahalaan kung kikilos ngayon pa lamang.

Dapat na pag-aralan ng pamahalaan na tama at sumasapat sa pangangailangan ng mga manggagawa ang sahod na kanilang natatanggap gayundin ang pagtiyak na walang kompanya ang magsasara.

Dagdag pa ng kongresista na kailangan maging bukas ang magkabilang panig sa kompromiso, at ang pamahalaan naman ay dapat mamagitan sa patas at matatag na paraan upang walang uuwing luhaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply