Patay na may utang sa GenSan hindi mailibing

ISANG patay na biktima ng vehicular accident ang hindi pa rin mailibing ng pamilya dahil sa pagkakautang sa punerarya sa General Santos City sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang patay na si Nicolas Quinio, 77, nasagasaan ng truck na minamaneho ng isang Fernando Cantiller, ng Tagum City.

Nabatid na matapos ma-confine ng halos isang buwan sa ospital at bawian ng buhay nitong Abril 29, ay hindi pa rin maipalibing ng kanyang pamilya si Quinio dahil sa kawalan ng pambayad sa punerarya.

Lumalabas na umabot na sa P135,000 ang bayarin ng pamilya dahil hindi pa rin inilalabas ng pinagkakautangan ding pagamutan ang death certificate ng biktima.

Nakatakda namang ituloy ng pamilya Quinio ang kaso laban sa drayber na nauna nang nangakong tutulong sa gastusin kaya pumayag silang makalabas ng kulungan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply