Patay o buhay, 2 missing na PAF pilot hahanapin

ITO ang pagtitiyak ng pamunuan ng Philippine Air Force kaugnay sa nawawala pa ring dalawang Air Force pilot na kasamang bumagsak ng SF-260 trainer plane may anim na araw na ang nakararaan sa karagatan ng Bataan.

Ito ay matapos bigo pa ring makita ang dalawang piloto na kinilalang sina Major Niel Tumaning at 1/Lt. Michael Arugay.

Nabatid na hindi pa rin matukoy ang mismong crash site na kinalubugan ng nasabing trainer plane kahit ginamitan pa ng sonar.

Ayon kay PAF Commanding General Lt. Gen Catalino dela Cruz, wala pa silang magandang balita sa ginagawang search operation sa mga biktima.

Dagdag pa ni Catalino, kakulangan sa equipment ang isa sa dahilan ng hirap nilang makita ang mga biktima lalo na sa paglulunsad ng sea bed mapping habang nakatutok ang kanilang ongoing search operation  sa 150-foot deep stretch ng Manila bay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply