PBA Governor’s Cup lalarga bukas

LALARGA na bukas (Mayo 20) ang Philippine Basketball Association (PBA) Governor’s Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Tampok sa first game ang bigating Alaska Aces at Rain or Shine Elasto Painters sa alas-4:15 ng hapon at maglalaban ang Petron Blaze at Powerade Tigers sa 2nd game sa 6:30 ng gabi.

Pakay ng apat na team na makadale ng buwenamanong panalo na magsisilbing pangati ng mga ito  papunta sa asam na kampeonato lalo na ang Petron na pakay ipagtanggol ang hawak na titulo.

Ibabalandra ng Petron ang import na si Eddie Basden, 29-anyos na sasabay sa isa pang import ng Powerade na si Rashad McCants.

May karanasan na si Basden sa Chicago Bulls at balik aksiyon na sa Petron sina Jay Washington, Dondon Hontiveros at Chris Lutz maging sina Arwind Santos, Alex Cabagnot, Joseph Yeo, Denok Miranda at Nonoy Baclao.

Sasabay sa sistema sina Marcio Lassiter mula sa Powerade at Dorian Pena ng Barako Bull.

Inaasahang makakasabay na sa sistema sina Marcio Lassiter na mula sa Powerade at Dorian Pena na mula sa Barako Bull.

“Kompleto kami ngayon kumpara noong last year. Yung mga players ko kaya nilang tumayo sa sarili nilang paa at i-execute ng maayos yung plays namin,” sambit ni Petron coach Ato Agustin.

Magugunitang tinalo ng Petron ang Talk ‘N Text Tropang Texters sa Game 7 para kubrahin ang Governor’s Cup title.

Ipaparada rin ang iba pang imports tulad nina Jason Forte ng Alaska, Paul Harris ng Tropang Texters, Marqus Blakely ng B-Meg Llamados, Cedric Bozeman ng Barangay Ginebra Kings, Jamelle Cornely ng Rain or Shine, Jamine Peterson ng Barako Bull at Zach Graham ng Air21 Express.

Mga laban bukas, Linggo (Mayo 20) sa Ynares Center, Antipolo
4:15pm Alaska vs Rain or Shine
6:30pm Petron vs Powerade

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply