Peace talks sa NPA atupagin din – CBCP

KASUNOD nang pagsalakay ng mga rebelde sa tropa ng pamahalaan sa Bicol, iminungkahi ng isang Catholic bishop na higit pang dapat paigtingin ng pamahalaan ang peace talks sa New People’s Army (NPA).

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, ang usapang pangkapayapaan lamang ang tanging solusyon upang matuldukan na ang matagal nang tunggalian ng magkabilang panig.

Iginiit ni Bastes na lalong darami ang karahasan sa bansa kapag inihinto na ng pamahalaan ang kanilang pakikipag-usap sa mga rebelde.

Wala naman aniyang ibang maaapektuhan sa gulo kundi ang mga ordinaryong mamamayan.

Una nang inihayag ng Malakanyang ang plano nilang paghinto ng peace talks sa mga rebelde dahil ipinakikita lamang ng mga rebelde na hindi sila seryoso sa peace plan na inaalok ng gobyerno.

Kaugnay nito, sinabi ni Bastes na handa siyang mamagitan sa dalawang panig para sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply